Skip to main content

Kapalmuks!

Ang tao raw ay nagmula sa lupa. Pero kung minsan, mas naniniwala ako na ang tao ay sa kongkreto nagmula. Sabagay may relasyon din ang lupa’t kongkreto, ngunit ang purong lupa ay malambot at manipis, samantalang ang kongkreto ay matigas at makapal.

Tingnan mo ang katabi mong tao, salatin ang kanyang mukha at bahagyang pisilin ang kanyang pisngi. Ano ang sumalubong sa’yong kamay? Ano ang tumambad sa iyong pakiramdam? Manipis o makapal? Malamang nagkakalyo ang iyong kamay sa paghagod sa kara ng isang nilalang na nagmula sa pinatigas na semento.

Maglupasay ka man sa korte ng kapalaran, hindi mababaligtad ang katotohanang ang buhay ay puno ng mga humihingang kakapalan. Kung minsan naiisip ko na talaga yatang mali ang ilang teorya kaugnay ng pinagmulan ng buhay, tulad ng Big Bang Theory, Natural Selection at Theological Origins. Ang buhay yata—lalo na ng tao—ay nagmula sa isang cement factory dito sa hilaga.

Naghahanap ka pa ba ng ebidensya ng katigasan ng mukha? Wag ka nang lumayo, tingnan mo na lang ang mga katrabaho o kaopisina mo.

Ang empleado sa iyong kaliwa, malamang ito ang ginagawa: Nagkukunwaring very busy, nakakunot pa ang noo sa lalim ng iniisip. Subalit kung tingnan mong maigi ang kanyang kinakalikot, isa palang brochure ng iba’t-ibang produkto—namimili pala siya ng uutanging make-up, lipstick, pabango, panty at bra. Sinasabayan pa ng pagsalat sa kanyang dibdib, tinatantya kung kailangan na nya ng push-up na produkto.
Ang empleado sa iyong kanan, malamang ito ang pinagkakaabalahan: Nagbubulatlat ng mga papel sa kanyang harapan. Seryoso s’ya at pailing-iling na parang may malaking problemang kinakaharap. Siliping mabuti ang mga tila maliliit na dokumentong hawak n’ya. Sus! Mga natalong tiket n’ya sa lotto! Nag-iisip pala siya ng bagong balasa. Sa ilalim ng mga lotto ticket, naghahari naman ang listahan ng mga numerong lumabas sa jueteng.

Ano naman ang masasabi mo sa’yong boss na ang desk ay nasa mismong harapan mo? Wala, wala kang masasabi. Wala kang masasabi dahil parati naman siyang wala! Saan ba s’ya nagpupunta? Saan pa e di sa meeting! Kaw talaga, ang hina mo! Meeting ng mga tsismoso’t tsismosa sa canteen, sa hallway at kung saan-saan pang sulok ng gusali. Kung minsan naman, nasa seminar s’ya. Seminar na puno ng pagliliwaliw, shopping spree, pagpapa-cute, pag-iisip ng paraan ng pagkupit sa liquidation at pagkuha ng certificate of attendance kahit hindi pumupunta sa lectures.

O, saan ka pa? Punta ka pa ba sa kabilang division upang mapatunayang maraming makakapal sa mundo? E ang bilang ng mga kapalmuks sa opisina n’yo pa lang, sapat nang pantapal sa mga lubak sa national highway. Matibay pa! Kung idagdag mo pa ang lahat ng makakapal sa boung gusali, baka makagawa na tayo ng mga tulay na magdudugtong-dugtong sa lahat ng mga isla sa Pilipinas.

Hay! Ganyan talaga ang buhay. Minsan, nagtungo ako sa simbahan, maluha-luhang nanikluhod at taimtim na nanalangin. Ipinagdasal ko na sana’y mawala na ang lahat ng kapalmuks sa ibabaw ng mundo. Please Lord!
Ngunit, habang sinasambit ko ang aking panalangin, tila sinasagot ako ng Diyos at ipinapakita ang magiging resulta ng aking hinihiling. Ang maaring maging resulta: Walang matitirang tao sa mundo—pati ako, kasamang maglalaho! Ibig sabihin: makapal din ang pagmumukha ko.

Kaya bigla kong binawi ang aking panalangin! Erase-erase! Ayoko pang mag-evaporate! Ikaw, gusto mo na ba? Mas mabuting manatiling makapal kaysa kunin na ng Maykapal.

Subalit sa likod ng kakapalan ng ating mukha, sana hangga’t maaari’y mag-iwan tayo ng kahit kaunting malambot na bahagi sa ating puso. Sana, kahit paminsan-misan lang, ang ating katigasan ay magsilbing kalasag ng mga naaapi’t mahihina. Sana, kahit ilang sandali lang, ang lakas ng ating apog ay magamit naman sa pagpawi ng kalungkutan ng mga maralita.

Huwag nating kalimutan, lahat tayo’y may obligasyon sa ating kapwa tao, makapal man, mas makapal kesa sa’yo o pinaka-kapalmuks sa boung mundo. 
***
BARD NOTES: Special thanks to INWD General Manager John Teodoro, INWD Board of Directors and all employees of Ilocos Norte Water District. 
Happy bard-reading to Congresswoman Imelda R. Marcos, Mayor Chevylle V. Farinas, Vice Mayor Michael V. Farinas, Mayor Jeffrey Jubal Nalupta, Board Member James Paul “Goro” Nalupta, Mr. Efren Bartolome, Ms. Pia Salapongol, Dr. Chester Puño, Dr. Sme Juancho Estrella and Atty. Yvette Convento- Leynes.
 
Happy reading also to Provincial Treasurer Josephine Calajate, INEC Director Virgilio Calajate, Ms. Cecil Nalupta and the employees of Philippine National Bank – Laoag Branch, AMA – Laoag Campus,  DepEd – Laoag.

Comments

Popular posts from this blog

Empanada festival: A celebration of good taste and good life

By Dominic B. dela Cruz & Leilanie G. Adriano Staff reporters BATAC CITY—If there is one thing Batac is truly proud of, it would be its famous empanada-making business that has nurtured its people over the years. Embracing a century-old culture and culinary tradition, Batac’s empanada claims to be the best and tastiest in the country with its distinctive Ilokano taste courtesy of its local ingredients: fresh grated papaya, mongo, chopped longganisa, and egg. The crispy orange wrapper and is made of rice flour that is deep-fried. The celebration of this city’s famous traditional fast food attracting locals and tourists elsewhere comes with the City Charter Day of Batac every 23 rd  of June. Every year, the City Government of Batac led by Mayor Jeffrey Jubal Nalupta commemorate the city’s charter day celebration to further promote its famous One-Town, One Product, the Batac empanada. Empanada City The Batac empanada festival has already become an annua

PIDS expert says income tax cuts justified; warns gov’t of revenue loss

Proposals to amend the personal income tax schedule appear to be well-justified. However, these proposals should include measures that will allow government to recover the revenue loss from lower income taxes. Dr. Rosario Manasan, senior research fellow of state think-tank Philippine Institute for Development Studies (PIDS), said at a seminar sponsored by the Philippine Senate, that government should look for new revenue measures to compensate for the projected revenue loss that will arise as a result of the implementation of any of the various proposals to restructure the personal income tax. Currently, there are several income tax reform proposals pending in both houses of Congress. All of them, according to Dr. Manasan, have the same objective of addressing the phenomenon of bracket creep, which results from “non-indexation to inflation of personal income tax brackets”. Simply put, bracket creep occurs when employees’ income increases over time as a result of inflation. Th

PGIN honors Ilocano heroes of past, present through Heroes Walk

SPO1 Allan Lampitoc Franco of Banna, Ilocos Norte and PO2 Jovalyn D. Lozano of Adams, Ilocos Norte receive a resolution of commendation, a certificate of college scholarship grant to their family members and a P20,000 cash incentive each from the Provincial Government of Ilocos Norte represented by Governor Imee R. Marcos and Vice Governor Angelo M. Barba in recognition of their bravery and heroic acts in the Mamasapano clash in Maguindanao on January 25. Mr. Franco and Mr. Lozano were recognized on March 10 in time for the unveiling of the second batch of Ilocano heroes at the Heroes Walk located along the Sirib Mile in Laoag City.  (Lei Adriano) By Jennifer T. Pambid PGIN-CMO In honor of the heroes who brought freedom, fame and glory to the province as well as to the country in the past century, the Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN) through the Education Department and Sirib Youth Office launched the second batch of Ilocano Heroes Walk on March 10, 2015.